Armored car, 3 police cars, military truck nakuha sa bodega ng mga Ampatuan
MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 100 pang kahon ng mga bala, mga armas, police vehicles, military trucks at iba pa ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang panibagong raid sa bodega ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa bayan ng Shariff Aguak ng lalawigan kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Col. Leo Ferrer, commander ng Army’s 601st Brigade, bandang alas–3:15 ng hapon nang salakayin ng tropa ng militar ang bodega ni Gov. Ampatuan na ka- tabi ng Provincial Jail.
Nakuha sa loob nito ang tatlong M16 rifles, mga sako ng palay, mga gamit sa sakahan tulad ng mga tractor, cater- pillar, dalawang luxury van, isang Humvee, isang armored car, tatlong be-hikulo ng pulisya, isang bus at isang military truck.
Sinabi ng opisyal na mahigit 100 kahon ng mga bala o tig-1,000 ng M16 rifle ang kanilang nakumpiska na may tatak na Armscor Pres cision, metallic cartridge na gawa sa Pilipinas.
Ayon sa opisyal, ang nasabing mga bala ay nasa loob ng van Isuzu model V340 na may pla kang MVW-612 ni Gov. Ampatuan.
Wala namang naaresto ang tropa ng militar sa nasabing bodega na itinuro ng mga sibilyang tipster. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending