MANILA, Philippines - Nagdeklara na ng Mar tial Law si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Maguindanao para mapanatili at makontrol ng gobyerno ang kapayapaan dito.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermi-ta, nilagdaan ni Arroyo ang Proclamation 1959 o ang pagdedeklara ng Martial Law sa naturang lalawigan noong Biyernes ng gabi matapos na magpulong ang National Security Council (NSC) kung saan agad din itong pinaalam sa Kongreso.
“Condition of peace and order in Maguindanao has deteriorated to the extent that government mechanisms are not functioning this endangering public safety,” nakasaad pa sa Proclamation 1959.
Ipinaliwanag ni Ermi ta na sa ilalim ng 1987 Constitution, maaaring isailalim sa martial law ang bansa o ang isang lugar kung may nagaganap na rebelyon o pananakop na malalagay sa panganib ang kapayapaan at ito ay maaaring tumagal ng 60-araw. Ginawa ito ng Malacañang para mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan sa Maguindanao at mabigyan ng hustisya ang 57-kataong biktima ng massacre.
Sinabi naman ni Philippine National Police chief, Gen. Jesus Versoza na 12 personalidad pa ang nakatakdang imbes tigahan ng pulisya kabilang na dito ang 5 Ampatuan.
Inamin naman ni Armed Force of the Philippines chief, Gen. Victor Ibrado na inirekomenda nila ang pagdedeklara ng Martial Law dahil sa ulat na may mga armadong grupo sa Maguindanao na aatake sa sandaling arestuhin ang mga Ampatuan. Nilinaw din ni Ermita na hindi sakop ng batas militar ang mga lugar na kontrolado ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao dahil na rin sa kasunduan ng GRP-MILF para sa peace talk.
4 pang Ampatuan inaresto
Samantala, inaresto na ng pulisya dakong alas-2 ng madaling-araw sina Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., Governor Zaldy Am patuan ng Autonomous Region in Muslim Minda-nao, Anwar Ampatuan, at Akmad Ampatuan sa mansion nito ilang oras bago idineklara ang martial law.
Humiling si Gov. Ampatuan na madala muna sa Davao Doctors Hospital para magpa-checkup matapos na umano’y sumama ang kalusugan nito bunga ng hypertension saka tuluyang dinala sa Davao City habang si ARMM Gov. Zaldy Ampatuan ay dinala naman sa General Santos City para sa imbestigasyon.
“Lahat ng dapat hulihin ay huhulihin natin, gagalugarin natin ang lahat ng mga lugar, didisarmahan ang lahat ng mga armado at dadakpin ang may 100 sangkot sa massacre,“ ani Versoza.
Pinadidisarmahan na rin ng military ang mga bodyguards ng mga Ampatuan at plano na rin ilagay sa kustodya nito ang iba pang kaanak ng mga Ampatuan na sina Datu Ulo Ampatuan, Mamasapano Mayor Bahnarin Ampatuan, Salibo Vice Mayor Datu Kanor Ampatuan at Tony Kenis Ampatuan at aarestuhin na rin ang iba pang sangkot dito tulad nina Tumi Timba Abas, Police Officer 1 Abbey Guiadem, Alias Kumander Beri, Muhamad Sangki, Tammy Masukat at isang alyas Duhay. Plano umano ng mga ito na maghasik ng rebelyon dahil sa serye ng raid na ginawa ng mga otoridad sa mga mansion ng Ampatuan clan kung saan nasamsam ang malakas na kalibre ng baril at bulto-bultong armas, bala at ca mouflage uniforms. Kasabay nito sinuspinde din ang writ of habeas corpus na inihain ng mga Ampatuan na kinatigan ng Commission on Appointments kaya mabilis na na aresto ang mga suspek.
Matatandaan na hina rang at dinukot ng mga suspek ang asawa ni Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu na si Genalyn kasama ang mga miyembro ng media at mga supporters nito noong Nobyembre 23 sa Ampatuan, Maguindanao habang patungo sa Shariff Aguak para maghain ng Certificate of Candidacy sa Comelec.
’Wag katakutan
Pinawi kahapon ng AFP at PNP ang takot na ma aabuso ang karapatang pantao ng publiko matapos ang deklarasyon ni Arroyo ng martial law.
Ayon kay AFP- Deputy Chief of Staff for Operations (J3) Major Gen. Gaudencio Pangilinan, tanging ang mga suspect lamang sa pagmasaker ng 57 katao ang target ng kanilang pinaigting na pagtugis at pag-aresto.
“We will abide by the law, we will not violate the implementation of Martial rule,“ ani Pangilinan.
Sa ngayon ay matinding tensiyon aniya ang namamayani sa Maguindanao dahil sa libu-libong mga sundalo na nakadeploy, nagkalat ang mga tangke ng militar, armored vehicles sa lugar. Ito’y maliban pa sa puwersa ng pulisya na minobilisa na rin ng PNP para tumulong sa AFP troops sa implementasyon ng Martial Law.
Maging ang pama halaang panlalawigan ng Maguindanao ay pansamantalang tinake-over ng military. Madami na rin umanong kaanak at mga supporters ng pamilya Ampatuan ang nag-alsa balutan na sa takot na damputin rin sila.