^

Bansa

Batas Militar sa Maguindanao!

- Nina Butch Quejada, Rudy Andal, Malou Escudero at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagdeklara na ng Mar­­ tial Law si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Maguindanao para mapanatili at makontrol ng gobyerno ang kapaya­paan dito.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mi-ta, nilagdaan ni Arroyo ang Proclamation 1959    o ang pagdedeklara ng Mar­tial Law sa naturang lalawigan noong Biyernes ng gabi matapos na mag­pulong ang National Security Council (NSC) kung saan agad din itong pina­alam sa Kongreso.

“Condition of peace and order in Maguinda­nao has deteriorated to the extent that government mechanisms are not functioning this endangering public safety,” nakasa­ad pa sa Proclamation 1959.

Ipinaliwanag ni Ermi­ ta na sa ilalim ng 1987 Constitution, maaaring isa­ilalim sa martial law ang bansa o ang isang lu­gar kung may nagaganap na rebelyon o pananakop na malalagay sa pang­a­nib ang kapayapaan at ito ay maaaring tumagal ng 60-araw. Ginawa ito ng Ma­la­cañang para mapanga­lagaan ang ka­pakanan ng mga mama­mayan sa Ma­guindanao at mabigyan ng hustisya ang 57-kata­ong biktima ng massacre.

Sinabi naman ni Philippine National Police chief, Gen. Jesus Versoza na 12 personalidad pa ang nakatakdang im­bes­ tigahan ng pulisya ka­bilang na dito ang 5 Am­patuan.

Inamin naman ni Armed Force of the Philippines chief, Gen. Victor Ibrado   na inireko­menda nila ang pag­de­deklara ng Martial Law dahil sa ulat na may mga armadong grupo sa Ma­guindanao na aatake sa sandaling arestuhin ang mga Ampa­tuan. Nil­inaw din ni Ermita na hindi sakop ng batas militar   ang mga lugar na kontro­lado ng Moro Islamic Libe­ration Front sa Ma­guin­danao dahil na rin sa ka­sunduan ng GRP-MILF para sa peace talk.

4 pang Ampatuan inaresto

Samantala, inaresto na ng pulisya dakong alas-2 ng madaling-araw sina Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., Governor Zaldy Am­ pa­tuan ng Autonomous Region in Muslim Minda-nao, Anwar Ampatuan, at Akmad Ampatuan sa man­sion nito ilang oras bago idineklara ang martial law.

Humiling si Gov. Am­patuan na madala muna sa Davao Doctors Hospital para magpa-checkup matapos na umano’y su­mama ang kalusugan nito bunga ng hypertension saka tuluyang dinala sa Davao City habang si ARMM Gov. Zaldy Ampa­tuan ay dinala naman sa General Santos City para sa imbestigasyon.

“Lahat ng dapat huli­hin ay huhulihin natin, ga­galugarin natin ang lahat ng mga lugar, didisar­ma­han ang lahat ng mga ar­mado at dadakpin ang may 100 sangkot sa massacre,“ ani Versoza.

Pinadidisarmahan na rin ng military ang mga bodyguards ng mga Am­patuan at plano na rin ila­gay sa kustodya nito ang iba pang kaanak ng mga Ampatuan na sina Datu Ulo Ampatuan, Mama­sapano Mayor Bahnarin Ampatuan, Salibo Vice Mayor Datu Kanor Am­pa­tuan at Tony Kenis Ampa­tuan at aarestuhin na rin ang iba pang sangkot dito tulad nina Tumi Timba Abas, Police Officer 1 Abbey Guiadem, Alias Ku­man­der Beri, Muhamad Sangki, Tammy Masukat at isang alyas Duhay. Plano umano ng mga ito na maghasik ng rebelyon dahil sa serye ng raid na ginawa ng mga otoridad sa mga mansion ng Am­patuan clan kung saan na­samsam ang malakas na kalibre ng baril at bulto-bultong armas, bala at ca­ mouflage uniforms.  Kasabay nito sinuspinde din ang writ of habeas corpus na inihain ng mga Ampatuan na kinatigan ng Commission on Appointments kaya mabilis na na­ aresto ang mga suspek.

Matatandaan na hina­ rang at dinukot ng mga suspek ang asawa ni Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu na si Ge­nalyn kasama ang mga miyembro ng media at mga supporters nito no­ong Nobyembre 23 sa Ampatuan, Maguindanao habang patungo sa Sha­riff Aguak para maghain ng Certificate of Candida­cy sa Comelec.

’Wag katakutan

Pinawi kahapon ng AFP at PNP ang takot na ma­ aabuso ang karapa­tang pantao ng publiko mata­pos ang deklarasyon ni Arroyo ng martial law.

Ayon kay AFP- Deputy Chief of Staff  for Operations (J3) Major Gen. Gaudencio Pangilinan, tanging ang mga suspect lamang sa pagmasaker ng 57 katao ang target ng kanilang pinaigting na pagtugis at pag-aresto.

“We will abide by the law, we will not violate the implementation of Martial rule,“ ani Pangilinan.

Sa ngayon ay matin­ding tensiyon aniya ang namamayani sa Ma­guin­danao dahil sa libu-libong mga sundalo na naka­deploy, nagkalat ang mga tangke ng militar, armored vehicles sa lugar. Ito’y mali­ban pa sa puwersa ng pulisya na minobilisa na rin ng PNP para tumulong sa AFP troops sa imple­mentasyon ng Martial Law.

Maging ang pama­ halaang panlalawigan ng Maguindanao ay pansa­mantalang tinake-over   ng military. Madami na    rin umanong kaanak at mga supporters ng pamil­ya Ampatuan ang nag-alsa balutan na sa takot na damputin rin sila.

ABBEY GUIADEM

AKMAD AMPATUAN

ALIAS KU

AMPATUAN

LAW

MAGUINDANAO

MARTIAL LAW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with