Supply ng baboy at manok 'di kakapusin ngayong kapaskuhan

MANILA, Philippines - Siniguro ng Mala­ca­ñang na walang maga­ganap na shortage sa supply ng pork at manok mata­pos payagan ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga ito para masiguro ang ‘stable supply’ ngayong kapaskuhan.

Siniguro din ni Agriculture Sec. Arthur Yap na ma­higpit nilang baban­tayan ang presyo ng mga agricultural products nga­yong kapaskuhan upang hindi makapagsamantala ang mga ito sa mamimili.

Mahigpit din ang gina­ga­wang monitoring ng Department of Trade and Industry sa presyo ng mga bilihin at siniguro din ni DTI Sec. Peter Favila na hindi ito mangingiming ireko­menda ang pagbabalik ng price control kapag kinaka­ilangan para maprotek­tahan ang mamimili. (Rudy Andal)

Show comments