Lomibao nagbabala sa kambal plaka
MANILA, Philippines - Binalaan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Arturo Lomibao ang mga franchise holders na ipa pakansela sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa nito kung gumagamit ng kambal na plaka.
Ayon kay Lomibao, dapat ng lansagin ang sindikato ng kambal plaka dahil milyong halaga ng pondo ng pamahalaan ang nawawala dahil dito.
Una ng naaresto ng mga elemento ng LTO Special Operations Center ang limang taxi units na kinabibilangan ng Kasai Taxi Toyota Vios (TXP 418); Kasai Taxi Toyota Vios (TXP 637) at KRM Taxi Toyota Corolla na may plate number TXP 637.
Aniya, sisibakin sa tungkulin ang sinumang tauhan nito, lalo na ang mga encoder kung mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga smugglers kayat dumarami ang kambal na plaka.
“Hindi po natin hahayaan na mamayani ang mga bulok na tauhan sa ating administrasyon, pag napatunayan na nagkasala ang mga ito, agad nating tatanggalin sa trabaho dahil hindi natin sila kailangan para magserbisyo sa publiko,” pahayag ni Lomibao. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending