Media advisory sa labi ng UNTV crew
MANILA, Philippines - Ihahatid ang bangkay ni Daniel Tiamzon, crew member ng UNTV na isa sa mga biktima ng Maguindanao massacre mula sa General Santos City ngayong alas-11 ng umaga, Dis. 4, 2009.
Ang UNTV Channel 37 ay nag-aanyaya sa mga kaibigan sa media at iba pang sympathizers sa pagsundo sa labi ni Tiamzon na sumama sa isang convoy na magsisimula sa Ninoy Aquino International Airport hanggang sa UNTV studio at hanggang Loyola Memorial chapel.
Ang convoy ay magbabaybay sa mga susunod na ruta: NAIA Terminal 3-MIA road-Roxas blvd.-EDSA-UNTV37-EDSA-Loyola Guadalupe.
Ang labi ni Tiamzon ay ihahatid sa huling hantungan sa Linggo, Dis. 6, 2009 sa ganap na alas-3 ng hapon. Ang funeral march ay magsisimula bandang ala-una ng hapon mula Loyola Memorial chapel patungong Manila Memorial Park sa Paranaque City.
Ang UNTV ay may naka-antabay na sasakyan sa mga kaibigan sa media na gustong sumabay sa convoy. Para sa mga detalye, tumawag lamang kay Maris Federez 0906-5584779 o Ruth Navales 0927-6437643, o sa 442-6244 loc 125, 127 at 150.
- Latest
- Trending