Kahit may disqualification case , Erap kasama sa balota

MANILA, Philippines - Bagama’t may disqualification case, isasama pa rin sa balota si dating pa­ ngulong Joseph Estrada bunsod na rin ng napipin­tong pagsasampa ng mga petisyon laban sa mga  pre­sidentiables na kalahok sa nalalapit na 2010 elections.

Ipinaliwanag ni Co­melec Law department head Atty. Ferdinand Rafa­nan na malabo namang agad na magkaroon ng resolusyon ang Comelec sa mga disqualification cases hindi lamang kay Estrada kundi maging sa iba pang mga  kandidato lalo pa’t ngayon Enero lamang sisimulan ang pag-imprenta ng mga balota.

Aniya, wala naman silang magagawa kundi isama sa listahan ang pa­ngalan ni Estrada, upang hindi ma-teknikal ang Po­sibleng aabot pa sa Korte Suprema ang kaso, kung kaya’t habang naka­binbin ang isyu, tuloy umano ang karapatan ni Estrada na muling magpa­pili sa ha­lalan. (Doris Franche)

Show comments