Bakuna vs AH1N1 sisimulan na
MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Department of Health ang pagbibigay ng bakuna laban sa sakit na AH1N1 virus o swine flu bago matapos ang Disyembre 2009.
Ayon kay Dr. Troy Gepte, technical officer for communicable diseases, surveillance and response ng World Health Organization, unang babakunahan ang mga health personnel na lantad sa naturang sakit at mga pasyenteng itinuturing na high risk tulad ng mga buntis, may chronic o malalang kondisyon, bata at matatanda.
Binalaan din ng WHO ang mga Pinoy na magbabalik-bayan ngayong kapaskuhan, lalo na ang mga galing sa Estados Unidos at Japan kung saan may naitalang outbreak ngayong tag-lamig.
Kailangan na obserbahan ng mga balik-bayan ang kanilang sarili, lalo na kung makakaranas ng mga sintomas ng influenza-like illness para matiyak na hindi makakahawa sa iba. (Doris Franche)
- Latest
- Trending