^

Bansa

DDS tutuldukan ni Nograles

-

MANILA, Philippines - Nangako si House Speaker Prospero Nograles na matitigil na ang pamamayagpag ng grupong Davao Death Squad at mapapalitan na ang bansag dito na”Summary execution capital” ng bansa.

Ayon kay Nograles, pinaghahandaan na niya ang kan­yang bagong trabaho sa oras na makalusot sa darating na 2010 election. Si Nograles ay naghain ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang alkalde ng Davao.

Aniya, gagawin niya ang Davao bilang pinakama­payapa at progresibong lungsod sa bansa matapos na umapela ang iba’t ibang human rights watchdog sa buong mundo na matuldukan na ang “extra judicial killing” sa Davao.

Kinondena din ni Nograles ang pagbibingi-bingihan ng mga lokal na opisyal sa Davao City sa nagaganap na patayan kung saan kumitil na ang DDS ng1,000 katao.

Bunsod nito, hinikayat ni Nograles ang mga residente ng lalawigan na gamitin ang 2010 election para maka­laya na ito sa lumalalang karahasan. (Butch Quejada)

ANIYA

AYON

BUNSOD

BUTCH QUEJADA

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO DEATH SQUAD

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

NOGRALES

SI NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with