PETC permit mabagal daw

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng mga private emission testing stakeholders kay Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ang umano’y mabagal na pagre-release at pang-iipit ng mga authorization renewal ng mga PETC.

Dalawa sa tinutukoy na mga tao na nagpa­pahirap sa mga PETC ay isang alias “Cherry” na nakatalaga sa releasing ng mga authorization na garapalan kung mango­tong at isang alias “Law­rence”.

Anila, mas maigting na pagbubusisi ang dapat na gawin ni Lomi­bao sa usaping ito nga­yong hindi na nito itinuloy ang balak na pagkan­didato bilang Kongresista sa Panga­sinan.

Kinukwestyon ng naturang grupo kung bakit kahit na may mga nagreklamo na noon sa ilegal na gawain ng dala­wang empleyado ay pa­tuloy pa rin ang panggi­gipit ng mga ito sa mga papeles ng mga PETC. (Butch Quejada)

Show comments