Pamilya Ampatuan naghabol sa Supreme Court
MANILA, Philippines - Pormal na hiniling kamakailan ng pamilya Ampatuan sa Supreme Court na magpalabas ng temporary restraining order laban sa warrant of arrest na ipinalalabas ng mga ahensya ng pamahalaan laban sa ilang miyembro ng kanilang angkan na isinasangkot sa pagpaslang sa 57 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23.
Hiniling din ng pamilya sa pamamagitan ng abogado nilang si Atty. Sigfried Fortun na magpalabas din ang Mataas na Hukuman ng writ of mandamus prohibition at preliminary mandatory injunction laban sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, at ibang law enforcement agency na magpapatupad ng arrest warrant.
Kabilang sa nagpetisyon sina Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan, Andal Ampatuan Sr., Norodin Ampatuan, Saudi Ampatuan Jr., Bahnarin Ampatuan, at Islam Akmad.
Iginiit ng mga Ampatuan na dapat munang isailalim sa preliminary investigation ang kaso para matukoy ang tunay na salarin sa krimen at huwag basta isangkot na lamang sa insidente ang lahat ng pamilyang Ampatuan. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending