2 barko nagkasagian, 519 pasahero nailigtas

MANILA, Philippines - Nanganib ang buhay ng may 519 pasahero ng isang barko  nang sumadsad ito matapos masagi ng M/V Subic Bay, isang cargo vessel mula sa Maynila, kamakalawa ng gabi sa Mandaue City.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard commandant, Admiral Wilfredo Tamayo galing umano ang M/V Wonderful Star ng Roble Shipping Lines sa Nakar Wharf sa Cebu, dakong alas 10:30 ng gabi patungong Leyte.

Habang dumadaan umano sa bisinidad ng old Mactan bridge sa Mandaue City, nasagi ito sa port side ng MV Subic Bay, kaya nawala sa giya at sumadsad sa mababaw na bahagi ng Cebu channel, malapit sa Petron oil depot.

Rumesponde naman ang tauhan ni Commander Elpidio Gunio, station commander ng Coast Guard Cebu gamit ang rescue boats, DF 318, DF 330 at tatlo pang rubber boats na nagligtas sa mga pasahero. (Ludy Bermudo) 

Show comments