^

Bansa

Isdang kanduli may lason, wag kainin - NGO

-

MANILA, Philippines - Binalaan ng isang non-governmental organization ang publiko na huwag nang kainin o iwasan muna ang pagkain ng isdang kanduli.

Ito ayon kay Sonny Batungbacal ng Tambuyog Development Center (TDC) ay dahil nakatang­gap sila ng impormasyon mula sa fisheries industry na ang cream dory fish o ang isdang kanduli na na­ibebenta sa mga palengke at mga pamilihan bilang fish fillet sa mga supermarket ay nagtataglay ng preservative o sulfuric acid at bleaching agents o potassium hydroxide na nakala­lason.

Sinabi din nito na walang basic testing facilities ang pamahalaan para magsagawa ng pagsururi sa mga fish fillet na imported mula sa Vietnam at China.

Ang potassium hydroxide ay isang corrosive substance na ginagamit sa paggawa ng sabon.

Una rito, nanawagan sa pamahalaan ang TDC na tiyakin na may kapa­sidad itong proteksiyunan ang kaligtasan ng mga mamimili bago ito puma­sok sa anumang kasun­duan sa World Trade Organization upang higit na maprotektahan ang kalu­sugan ng taumbayan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BINALAAN

CRUZ

SHY

SINABI

SONNY BATUNGBACAL

TAMBUYOG DEVELOPMENT CENTER

WORLD TRADE ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with