Misuari sumuportakay Brother Eddie

MANILA, Philippines - Naniniwala si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Nur Misuari na si Ba­ngon Pilipinas party standard bearer at Jesus Is Lord spiritual leader Bro. Eddie Villanueva ang ma­gi­ging susi para ma­isulong ang kapayapaan sa buong Mindanao.

“We firmly believe that Bro. Eddie Villanueva and Bangon Pilipinas Party will solve the lingering problems in Mindanao,” giit ni Misuari.

Bilang patunay ng kan­yang suporta, naghain si Misuari ng kanyang certificate of candidacy bilang gobernador ng Sulu sa ilalim ng BPP.

Sa isang press conference, sinabi ni Misuari na tanging ang partido ni Villa­nueva ang may malinis na adhikain para maisulong ang kapayapaan sa buong rehiyon kaya sumama ito sa Bangon Pilipinas Party. Hindi rin aniya hadlang ang paniniwalang spiritual para magkaisa sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpa­palago sa ekonomiya ng buong bansa.

Aniya, may pag-asa ang Pilipinas kung magka­karoon ng “righteous governance” dahil ito ang ka­salukuyang problema ng bansa kaya walang kapa­ya­paan at progreso.

Bago rito, dinala rin ni Dr. Zafrullah Alonto, isang senatorial candidate ng Bangon Pilipinas, ang suporta ng ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front. (Grace dela Cruz)

Show comments