^

Bansa

Verzosa handa sa 'rido'

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng ka­handaan ang Philippine National Police sa po­sibleng pagputok ng “rido” sa pagitan ng da­lawang kinikilalang ang­kan bunga ng karumal-dumal na pamamas­lang sa Maguindanao kung saan 57 katao ang biktima kabilang ang may 30 mamamahayag.

Sinabi PNP Chief Director General Jesus A. Verzosa na ang po­sibleng masaklap na maging pangyayari sa Maguindanao ay mauwi sa “rido,” gantihan o ubu­san ng lahi sa pagitan ng nag-aaway na pamilya, sa pangyayaring ito, pamilya ng Ampatuan at Mangudadatu.

Ani Verzosa, base sa pinakahuling ulat ng Social Weather Station, ang karahasan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay bunga ng bangayan ng mga miyembro ng mag­kaaway na angkan.

Ayon kay Verzosa, pawang pinalakas ang puwersa ng militar at pu­­lisya sa Maguin­da­nao tulad ng paglala­gay ng checkpoint at choke­point sa mga pangu­nahing lansangan at bulubunduking lugar upang maaresto ang mga sangkot sa ma­saker.

Idinagdag ni Ver­zosa na ang problema sa kapayapaan at ka­ayusan ay nag-ugat sa mga walang lisensiyang baril at private armies.

vuukle comment

AMPATUAN

ANI VERZOSA

AUTONOMOUS REGION

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS A

MAGUINDANAO

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SOCIAL WEATHER STATION

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with