Pag-aarmas ng mga journalist tutol ang CHR

MANILA, Philippines - Hindi pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa panawagan na magdala ng armas ang mga journalists na nagko­kober sa mga lugar na tinuturing na “hotspots” ngayong eleksyon.

Ayon kay CHR Chairwoman Leila de Lima, sa halip na gawin ang gani­tong sistema, magkaroon na lamang ng koordinas­yon sa mga may-ari ng media networks para sa kanilang mga reporters at mga otoridad sa mga local areas, para masi­ guro ang kanilang kalig­tasan.

Iginiit ni de Lima na ang mga mamamahayag ay maaring mag-request ng security mula sa proper authorities sa halip na magdala ng baril.

Ang nasabing posis­ yon ng CHR ay kaugnay na rin sa panukala na pagbitbit ng armas ng mga media practitioners sa kanilang coverage sa 2010 election, lalo na sa mga conflict areas, kasu­nod na rin ng nangyaring Maguindanao massacre. (Ricky Tulipat)

Show comments