Takot malason, pagkain di tinanggap, Ampatuan natulog sa labas ng selda
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Atty. Ricardo Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Unit (CTU) at tagapagsalita para sa Maguindanao massacre case, na mahigpit ang seguridad ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., kahit pa pinayagan itong matulog sa labas ng selda.
Pinahiga na lamang umano si Ampatuan sa bangkong mahaba na malapit sa visitor’s area subalit may barb wires umano na nakapagitan sa kaniyang tinulugan, na bahagi pa ng labas ng jail at visitor’s area.
Nilagyan ng bentilador ang tapat niya dahil naiinitan subalt nagkumot umano ng comforter.
“He has a lawyer working 24 hours by shift. But the lawyers are only staying at the visitor’s area and nakita ni’yo naman may barb wires separating the visitors from the prisoners. Ganyan ka-secured iyong jail. So may barb wire hindi talaga siya makakatakas dun tapos dami bantay. Pag kinausap siya ng visitors may pagitan ng barb wires,” pahayag ni Diaz.
Ibinunyag din ni Diaz na dahil sa mga banta sa buhay ni Ampatuan, hindi nito kinain ang ipinahatid na pagkain na sinasabing nanggaling sa mga kaanak. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending