Bro. Eddie maghahain ng COC ngayon
MANILA, Philippines - Magsusumite ngayon (Nov. 30) ang mga kandidato ng Bangon Pilipinas Party (BPP), sa pamumuno ni Bro. Eddie Villanueva, ng certificates of candidacy (COC) sa Commission on Elections head office sa Intramuros, Manila.
Magsusumite ng COC si Bro. Eddie, kilala bilang reformist leader at ta takbo sa plataporma ng totoong pagbabago sa buong bansa, kasama ang anim na senatorial bets ng BPP — Perfecto Yasay Jr., Dr. Israel Virgines, broadcast journalists Kata Inocencio and Alex Tinsay, Atty Ramoncito Ocampo, at Dr. Zafrullah Alonto.
Dala ng senatorial slate ni Bro. Eddie ang platapormang 7Es, na maghahatid sa isang maunlad, mapagpala at mapayapang Pilipinas.
Ang 7Es ay — empowerment of the people, emancipation of the people’s mind and culture, Educating the people in a quality and progressive way, energizing the economy by prioritizing public works projects in favor of infrastructures and social services, elevating the standards of living of all Filipinos, eradicating bad governance at establishing peace and order all over the land.
Nagpasya si Bro. Eddie na muling tumakbo bilang Pangulo upang mabigyan ang mga Pilipino ng alternatibong kandidato na magsusulong sa totoong pagbabago sa bansa, sa paniwalang ang pagiging matuwid at magandang pamamahala ay laging magkasama upang makalikha ng mas maunlad na Pilipinas.
Iginiit ni Bro. Eddie na talamak na ang katiwalian sa bansa dahil isinantabi na o di kaya’y tuluyan nang inalis ang pagiging matuwid sa pamamahala.
Ngunit sa pagsusulong ng Bangon Pilipinas ng totoong pagbabago, hindi pa huli ang lahat para sa mga Pilipinong nananawagan sa reporma sa gobyerno.
- Latest
- Trending