^

Bansa

'Di na tatakbong pangulo sa 2010, Ebdane umatras na!

- Ricky Tulipat, Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Dahil umano sa kawa­lan ng pondo, tuluyan nang umatras sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa darating na 2010 election si dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane Jr.

Umiiyak na inihayag ni Ebdane kahapon ang kan­yang pag-urong sa harap ng kanyang mga supporters na dumalo sana para hintayin ang gagawin niyang pagproklama sa sarili bilang kandidatong pangulo sa University of the Philippines (UP) Bahay Alumni sa lungsod Quezon.

Ilan sa binigyang kat­wiran ni Ebdane sa kan­yang pag-atras ay ang hindi natupad na pangako o su­porta umano ng ilan, parti­kular ang mga nag-udyok sa kanya para tumakbo.

Ayon kay Ebdane, sa kabila na malaki ang su­portang kanyang natatang­gap mula sa hanay ng mga manggagawa at maging sa mga magsasaka, iba anya ang politika at mara­ming nangyari sa loob halos ng isang buwan simula ng mag-anunsyo siya na tumakbo.

Kaya naman disma­yado ang mga taga-su­porta ni Ebdane na ilan sa kanila ay galing pa sa mga lalawigan na agad ding nag­sipaglisan bunga ng pagkagulat sa deklarasyon nito na umatras na sa nasabing karera.

Una rito, nagsagawa pa ng pagpupulong ang Partido ng Manggagawa at Magsasaka para pormal na iproklama si Ebdane bilang kanilang standard bearer sa 2010.

Animo’y piyesta sa nasabing lugar habang hinihintay si Ebdane pero nabalutan ito ng lungkot nang magpahayag ng pag-atras ang opisyal.

Gayunman, bagama’t umatras na siya sa pag­takbo, determinado naman umano siyang buuin ang partido lalo na ang pagbi­bigay daan para sa pro-labor at pro-peasant legislation para sa de kalidad na buhay ng mga mangga­gawa at magsasaka.

Kasunod nito, pinasa­lamatan ni Ebdane ang mga nagtiwala sa kanya lalo na ang mga obispo at mga pari.

AYON

BAHAY ALUMNI

DAHIL

EBDANE

GAYUNMAN

ILAN

PUBLIC WORKS SECRETARY HERMOGENES EBDANE JR.

SHY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with