Police escort na 'di naka-uniporme, bawal
MANILA, Philippines - Umpisa sa Lunes (Nobyembre 30), bawal na ang mga pulis na escort ng mga pulitiko at ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan na hindi nakasuot ng uniporme.
Sa direktiba ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa, lahat ng police security escorts ay inoobliga nitong magsuot ng kumpletong uniporme habang gumaganap ng kanilang mga tungkulin.
Sinabihan din ni Verzosa si Chief Supt. Lina Sarmiento, Director ng Police Security Protection Group (PSPG) na sa halip na barong o kasuotang sibilyan ang isuot ng lahat ng mga PSPG na nakatalaga sa mga VIPs ay dapat na isuot ang tamang uniporme ng pulis.
Sa pamamagitan nito, ayon kay Verzosa ay mabilis na madedetermina kung sumusunod ang mga pulitiko sa paglilimita ng PNP sa mga ito sa dalawang security escort na pulis para maiwasan ang karahasan kaugnay ng nalalapit na 2010 national elections.
Sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng mga police ay mapapaigting din ang presensya ng mga ito sa ‘police visibility’ na naglalayon ring mabawasan ang kriminalidad.
Ipinapanukala ng PNP ang standard uniform para sa lahat ng security personnel ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga ahensyang tagapagpa- tupad ng batas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending