^

Bansa

Hospital arrest kay Ampatuan ibinasura!

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng National Bureau of Investigation (NBI) na mailabas at madala sa pribadong ospital si Datu Unsay town Mayor Andal Ampatuan Jr., na sinasabing nagrekla-mo ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Ayon kay Deputy Director for Technical Servi­ces atty. Reynaldo Esme­ralda, na agad namang si­nuri ng kanilang doktor sa NBI si Ampatuan at natu­koy na normal naman ang health condition nito.

Tiniyak naman ni Es­me­ralda na wala pa na­mang pormal na request ang mga abogado ni Am­patuan para siya isailalim sa hospital arrest, pero nabatid na maging ang abogado ni Ampatuan na si Atty. Sigfrid Fortun ay hindi pabor na isailalim     sa hospital arrest ang    kan­yang kliyente.

Nabatid naman kay NBI Director Nestor Man­taring na hindi nila basta papayagan na mailabas   at madala sa pribadong emer­gency hospital si Am­pa­tuan at kung hihilingin ay maari na lamang mag­dala ng pribadong doktor sa loob ng NBi ang kam-po ni Ampatuan, subalit kaila­ngang may presen­siya din ng NBI doctors habang sinusuri ito para matiyak ang assessment na gaga­win sa kondisyon ng nasa­bing alkalde.

Aminado si Mantaring na walang further medical check-up kay Ampatuan noong Biyernes kundi ang physical check-up at drug test, na sinasabing walang nakitang trace na guma­gamit ito ng iligal na droga, maliban sa ginamit na sleeping drug, na inamin naman ni Ampatuan na ininom niya.

Ayon sa NBI, hindi uma­no siyento por siyen­tong masasabing hindi guma­ga­mit ng iligal na droga si Ampatuan dahil ang sinu­ring ihi nito ay posibleng mag-negatibo, makalipas ang 40 oras.

Nakita sa resulta ng urine test ang traces ng Benzodiazepine dahil sa pag-inom umano ng Ri­votril.

Nilinaw pa ni Mantaring na pansamantalang solo umano ni Ampatuan ang detention cell at walang special treatment dito, na katunayan ay inireklamo ang ‘poor ventilation’ kaya ito nainitan at sinasabing nahirapang huminga. Hindi siya pinayagang gumamit ng mga ipinadala ng kani­yang pamilya na kutson at bentilador. 

Nais matiyak ng NBI na high risk prisoner si Am- pa­tuan kaya pinag-aara-lan pa kung saan ito dapat idetine at ina-asses din ang kalusugan kaya hi­walay pa siya sa ordinar­yong preso.

Patuloy pa rin ang heigh­tened alert sa loob at la-bas ng NBI.

Hindi rin pinapayagan na makadalaw kay Ampa­tuan ang sinu-sino lamang maliban sa kaanak at nasa listahan, subalit sa itinak­dang oras lamang ng da-law. Gayunman, ang mga abugado ay hindi naman nili­limitahan ng oras.

AMPATUAN

AYON

DATU UNSAY

DEPUTY DIRECTOR

DIRECTOR NESTOR MAN

MANTARING

NBI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with