Environmentalist sali sa presidential race
MANILA, Philippines - Nakatakdang magsampa ngayon ng kanyang kanditura para sa pagka-Pangulo ang environmentalist at negosyanteng si Felix “Peck” Cabrera Cantal sa ilalim ng Philippine Green Republican Party (PGRP) sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.
Sasamahan si Cantal ng kanyang mga tagasuporta at miyembro ng PGRP na naglalayong magkaroon ng gobyernong lubos na mangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan.
Kasabay nito, kinondena ni Cantal ang mala-barbarong pagmasaker sa mga inosenteng sibilyan, lalo ang mga mamahayag, sa Maguindanao sanhi ng mga hidwaang politikal.
“Sa ngalan ng serbisyo publiko, kung magwawagi ako sa halalan sa Mayo ay makatitiyak kayo na magwawakas ang media killings sa ating bansa,” ani Cantal. “Kailangan natin ang lubos na re porma at sa ilalim ng aking administras-yon ay hindi ako makapapayag na mamamayani ang karahasan dahil lamang sa politika.” (Rudy Andal)
- Latest
- Trending