Razon tuloy na sa pagka-mayor ng Maynila

MANILA, Philippines - Pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si dating Philippine National Police Director Ave­li­no “Sonny” Razon sa Commission on Election kahapon para sa pagtakbo bilang Alkalde ng Maynila sa 2010 election.

Una rito, nagsagawa muna ng rally ang grupong We Are the Reason Movement (WARM) para magpakita ng suporta kay Razon. Anila, kinakailangan ng Maynila ng isang tulad ni Razon dahil ang lungsod ngayon ay gaya ng isang batang payat at kulang sa timbang dahil sa kahirapan.

Ang pagtakbo ni Razon bilang alkalde ng Maynila ay alinsunod na rin aniya sa nakikita niyang malaking hamon para sa pagbabago sa lungsod at sa mama­mayan nito gaya ng tema nitong “Hudyat ng Manilenyo para sa Alternatibong Pagbabago”.

Nabatid na tatakbo ang heneral sa ilalim ng National People’s Coalition (NPC) ni Senador Manuel “Manny” Villar.

Samantala, pormal na ring nagsumite ng kani-kanilang COC sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Brig. Gen. Danilo Lim para tumakbo sa pagka-senador. (Mer Layson/Doris Franche)

Show comments