MANILA, Philippines - Natuloy na rin kahapon ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec ni Buluan Vice Mayor Ismael “ Toto” Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng Maguindanao.
Si Mangudadatu ay sinamahan ni Lakas–Kampi–CMD standard bearer Gilbert “Gibo“ Teodoro Jr., lokal na mga opisyal na kamag-anak ni Toto at iba pang mga nasa partido ng administrasyon sa tanggapan ni Provincial Comelec Office at Acting Provincial Election Supervisor Estelita Orbase sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Si Toto ay tatakbo sa ilalim ng partido ng Lakas – Kampi-CMD.Tinuldukan na rin ni Mangudadatu ang bulung-bulungan na lilipat siya sa Liberal Party kasunod ng pagkumpirmang mananatili siya sa partido ng administrasyon. Sangkaterbang mga sundalo at pulis ang nagbantay sa highway hanggang kapitolyo upang matiyak na walang mangyayaring masama sa nasabing mga opisyal.Mayroon pang mga tangke ng mili-tar ang nagbantay sa grupo kung saan tinatayang mahigit sa 50 caravan ng mga sasakyan ang suma-ma sa convoy nina Gibo at Toto. (Joy Cantos)