^

Bansa

Mangudadatu nag-file na ng COC

-

MANILA, Philippines - Natuloy na rin kahapon ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec ni Buluan Vice Mayor Ismael “ Toto” Mangudadatu para sa pagka-go­bernador ng Maguindanao.

Si Mangudadatu ay sinamahan ni Lakas–Kampi–CMD standard bearer Gilbert “Gibo“ Teodoro Jr., lokal na mga opisyal na kamag-anak ni Toto at iba pang mga nasa partido ng administrasyon sa tanggapan ni Provincial Comelec Office at Acting Provincial Election Supervisor Estelita Orbase sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Si Toto ay tatakbo sa ilalim ng partido ng Lakas – Kampi-CMD.Tinuldukan na rin ni Mangudadatu ang bulung-bulu­ngan na lilipat siya sa Liberal Party kasunod ng pagkum­pir­mang mananatili siya sa partido ng administrasyon. Sangkaterbang mga sundalo at pulis ang nagbantay sa highway hanggang kapitolyo upang matiyak na wa­lang mangyayaring masama sa nasabing mga opis­yal.Mayroon pang mga tangke ng mili-tar ang nagbantay sa grupo kung saan tinatayang mahigit sa 50 caravan ng mga sasakyan ang suma-ma sa convoy nina Gibo at Toto. (Joy Cantos)

vuukle comment

ACTING PROVINCIAL ELECTION SUPERVISOR ESTELITA ORBASE

BULUAN VICE MAYOR ISMAEL

CERTIFICATE OF CANDIDACY

GIBO

JOY CANTOS

KAMPI

LAKAS

LIBERAL PARTY

MAGUINDANAO

MANGUDADATU

PROVINCIAL COMELEC OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with