^

Bansa

MILF kay Ebdane: Unahin ang plataporma sa Mindanao

-

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon kay Partido ng Mangga­-ga­wa at Magsasaka standard bearer Hermogenes Eb­dane Jr. ang Moro Islamic Liberation Front na bigyang halaga sa kan­yang plataporma de gob­yerno ang matagal ng pro­blema sa Mindanao, ang kapayapaan at kaayusan.

Sinabi ng tagapagsa-lita ng MILF na si Eid Ka-balu, nakakalamang si Ebdane sa ibang kandi­dato sa pagkapangulo dahil may kakayahan at kasanayan si Ebdane upang isaayos ang gusot sa kanilang lugar bunga ng naging tra­baho nito bilang pulis at kalihim ng National Defense (Tanggu­lang Pambansa).

“Hindi siya politiko kaya naman hindi siya sanay sa mga propaganda. Ang kapayapaan ang kanyang dapat maging panguna­hing agenda. Hindi namin siya iniendorso subalit may mga katangian siya na maging isang pinuno ng bansa kung bibigyan ng pagkakataon,” ani Kabalu.

Aniya, kung pagbaba­se­han ang tala ni Ebdane bilang isang pulis, wala siyang “bad record” (pangit na ginawa).

Pinayuhan ng lider ng MILF si Ebdane na saka­ling maging presidente siya, kailangang seryo­so­hin niya ang paglutas sa kaguluhan sa Mindanao.

Ayon kay Kabalu, ma­ra­ming naipagawang kal­sada si Ebdane noong ka­lihim pa siya ng Public Works and Highways na naging malaking tulong sa mga magsasaka sa kala­kalan. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

EBDANE

EID KA

HERMOGENES EB

KABALU

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL DEFENSE

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with