MANILA, Philippines - Dahil sa posibilidad umano na lumusob ang mga tauhan at tagasuporta ni Datu Unsay Mayor An-dal Ampatuan Jr. na nakadetine ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay inatasan kaha-pon ni National Capital Region Police Office chief, Director Roberto Rosales ang limang District Directors ng NCRPO na tiyakin na hindi makakaabot sa Metro Manila ang kaguluhan.
Inatasan din ni Rosa-les si Manila Police District C/Supt. Rodolfo Magtibay na makipag-ugnayan ito sa NBI kung kinakailangan na magdagdag ng bantay dito at magtayo ng check-points at makipag-ugnayan sa lider ng mga Muslim communities para makakuha ng impormasyon at agad na mapigilan ang nakaambang kaguluhan.
Binalaan din ni Rosales ang publiko na pananagutin sa batas kung makiki-sali sa kaguluhan para maipakita ang pagkadismaya sa takbo ng imbes-tigasyon.
Mahigpit na seguridad ang isinasagawa ngayon sa buong bisinidad ng NBI sa Taft Ave., Ermita, Maynila.
Nakakalat at nakabantay sa loob ng compoud ng NBI ang 30-armadong ahente nito habang sa labas naman ay ang mga tauhan ng Manila Police District at sinasabayan ng ronda 24-oras ng mobile car nito, upang tiyakin ang seguridad ni Ampatuan. Ito ay dahil si Ampatuan ang pangunahing suspek sa Maguindanao massacre kung saan 57-katao ang dinukot at pinatay.
Hindi naman pinayagan ng NBI na magamit ni Ampatuan ang mga pinadalang gamit sa kanya ng pamilya gaya ng kutson, electric fan at kumot.
Inamin din ng NBI na nahihirapan ang forensic experts nito na suriin at kilalanin ang mga bangkay ng biktima dahil nabubulok na ang mga ito bukod pa ang kakulangan sa kagamitan, kaya naman nagpadala ito ng karagdagang experto. Sa inisyal na pagsusuri, inilibing ng buhay ang mga biktima.