Batang may kanser tutulungan

MANILA, Philippines - Tutulungan ng Himig Ariel Scholars ang mga batang cancer patient upang mapahaba pa ang kanilang buhay sa pama­magitan ng kanilang ka­una-unahang major concert sa Disyembre 1.

Ayon kay Quezon City Majority Leader Ariel Inton, ang “Himig ng Kabataan” concert ay isasagawa sa Skydome sa SM North Edsa mula 6-9 ng gabi.

Ang kikitain sa kon­syerto ay ilalaan sa mga “K kids” o ang mga batang may kanser na nasa pa­nga­nga­laga ng “Kapwa Ko, Mahal Ko Foundation”.

Sinabi ni Inton na bukod sa pagtulong sa mga cancer patient, ang panonood sa konsyerto ay isa ring paraan ng pag­suporta sa paglinang sa mga talento ng mga ka­bataang resi­dente ng Quezon City.

Tinaya sa 300 performers ang magtatanghal sa konsyerto.

Show comments