Gibo nanguna sa online poll
MANILA, Philippines - Nanguna si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa isang mock polls sa popular na online social networking site na Facebook.
Tinalo ni Teodoro ang kanyang mahigpit na kala ban sa presidential race na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party.
Sa naurang mock poll nitong Huwebes, nakakuha ng 59.50 percent si Teodoro habang 29.34 percent lamang si Aquino. Nakakuha lang ng 6.61 percent si Senator Manuel Villar Jr. ng Nacionalista Party. Ito ang resulta ng round 3 ng mock polls na nagsimula noong November 23.
Inalis naman si Sen. Francis Escudero sa mock polls dahil sa pag-atras na nito sa kanyang kandidatura kaya ang natirang lawyer na lamang sa mga kandidato ay ang bar topnothcer at Harvard-trained na si Teodoro.
Sa 2nd round na nagsimula nitong Nov. 16-22 ay si Aquino ang nanguna na nakakuha ng 47.59 % kumpara sa 25.13 pecent ni Teodoro kasunod sina Villar na may 13.37%, Escudero na may 11.76 %, dating President Joseph Estrada na may 2.14% at dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane na may .14 percent.
Ang Facebook account ay mayroong 300 milyong users sa buong mundo habang sa Pilipinas ay tinatayang nasa 20 milyon ang gumagamit nito. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending