PNP hirap tukuyin ang 'utak'
MANILA, Philippines - Sa kabila ng paglutang ng pangalan ng maimpluwensiyang angkan ng mga Ampatuan, inamin kahapon ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang matukoy na mastermind at mga suspect.
Ito’y sa kabila ng pagtuturo ni Buluan, Maguindanao Vice Mayor Ismael “Toto“ Mangudadatu na bago minasaker ang mga biktima kabilang ang kaniyang maybahay na si Genalyn ay nakatawag pa ito sa kaniya at sinabing hinarang sila ng mga pulis sa checkpoint kasama si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa crossing ng Brgy. Taniag sa bayan ng Ampatuan.
Nagawa pang masabi ng ginang na pinagsasampal siya ni Ampatuan na may kasama umanong may 100 mga armadong kalalakihan at tinangay sila patungo sa direksyon ng liblib na lugar. Ilan sa mga kababaihan ay makikita sa nakunang larawan na nakabukas na ang zipper ng pantalon, ilan ay nakasuot na lamang ng underwear na indikasyong ginahasa ang mga ito.
Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina na posibleng mapabilang sa mga suspect si Mayor Andal Ampatuan Jr. Ikinatwiran ni Espina na nakapipigil sa kanilang paghahayag kung sinu-sino ang mga posibleng may kinalaman sa krimen ay ang pormal na paghahain ng reklamo parti kular ni Vice Mayor Mangudadatu. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending