Ebdane suportado ng Partido ng Manggagawa

MANILA, Philippines - Tahasang nagpahayag ng suporta si Partido ng Manggagawa Chairman Renato Magtubo kay presidential bet at dating Public Works and Highways Sec. Hermogenes Ebdane para sa darating na 2010 presidential election.

Ayon kay Magtubo, ma­ ganda at tiyak na mapapa­unlad ni Ebdane ang mga manggagawang Pinoy da­hil sa plataporma de gob­yernong isusulong nito sa oras na manalo sa 2010 pre­sidential election, gaya ng pagpapataas ng suwel­do ng mga manggagawa at solusyunan ang iba pang problema ng mga ito lalo na ang mga overseas Filipino workers.

Iminungkahi din ni Mag­tubo na mas makabubuting maging magkakampi sina Ebdane at Senador Francis “Chiz” Escudero na una ng umatras sa presidential race kahapon.

Si Ebdane na tumatak­bo sa ilalim ng Partido ng Mangagagawa at Magsa­saka (PMM) ay maghahain ng certificate of candidacy sa Disyembre 1 at inaasa­hang ihahayag ang kan­yang bise-presidente at senatorial slate sa Nob­yembre 29 sa UP Bahay ng Alumni.

Dapat din aniyang mag­sagawa ng pakikipagpu­long si Ebdane sa mga manggagawa para mas malaman nito ang nais at nasasaloob ng mga ito. (Butch Quejada)

Show comments