MANILA, Philippines - Dumami ang mga Pilipinong nagugutom kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Ondoy at Pepeng na kumitil ng mahigit 2,000 katao at sumira sa maraming ari-arian noong Setyembre at Oktubre.
Ito ang lumitaw sa survey na isinagawa ng Social Weather Station na nagsasaad na nadagdagan ng 300,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo.
Tumaas sa 18.9% ang kagutuman (batay sa Oct. 24-27 survey) mula sa 17.5% na ibinatay sa Sept. 18-21 survey.
Ang October survey ay isinagawa ilang araw makaraang manalasa ang bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng sa Hilagang Luzon.
Sinabi pa ng SWS na kinakatawan ng nakalap nitong datos ang 3.5 milyong pamilya o mahigit 3.2 milyong pamilya hanggang noong Setyembre 18-21. Tumaas ang bilang na ito sa Luzon o sa labas ng Metro Manila. (Evelyn Macairan)