^

Bansa

Gutom na Pinoy dumami

-

MANILA, Philippines - Dumami ang mga Pilipinong nagugutom kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Ondoy at Pepeng na kumitil ng mahigit 2,000 katao at sumira sa maraming ari-arian noong Setyembre at Oktubre.

Ito ang lumitaw sa survey na isinagawa ng Social Weather Station na nagsasaad na nadag­dagan ng 300,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo.

Tumaas sa 18.9% ang kagutuman (batay sa Oct. 24-27 survey) mula sa 17.5% na ibina­tay sa Sept. 18-21 survey.

Ang October survey ay isinagawa ilang araw makaraang manalasa ang bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng sa Hilagang Luzon.

Sinabi pa ng SWS na kinakatawan ng nakalap nitong datos ang 3.5 mil­yong pamilya o mahigit 3.2 milyong pamilya hang­gang noong Set­yem­bre 18-21. Tumaas ang bilang na ito sa Luzon o sa labas ng Metro Manila. (Evelyn Macairan)

ANG OCTOBER

BAGYONG PEPENG

DUMAMI

EVELYN MACAIRAN

HILAGANG LUZON

METRO MANILA

ONDOY

PILIPINONG

SOCIAL WEATHER STATION

TUMAAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with