Civilian escort sa pulitiko okay sa PNP

MANILA, Philippines - Papayagan ng Philippine National Police na kumuha ng karag­dagang dalawang civilian security escort ang mga kandidatong may death threats kaugnay ng pagtakbo ng mga ito sa May 10, 2010 national at local elections.

Bukod pa ito sa dala­wang police security escorts na itatalaga sa mga kandidato.

Gayunman, nilinaw naman ni PNP Spokesman Chief Superintendent Leonardo Espina na ang kukuning civilian protection agents ng isang kandidato ay dapat na may akre­ditas­ yon sa kanilang Security Agencies and Guards Supervision Division.

 Idiniin ni Espina na magdedepende sa assessment sa banta sa buhay ng isang kan­di­dato kung bibigyan nila ito ng police security escort.

Ayon sa opisyal, ang mga kandidatong nais humiling ng police security escort ay kailangang sumulat sa Regional Police Director na na­kaka­ sakop sa kanyang lugar.

Show comments