^

Bansa

Apela ng Pinay sa Saudi: Makapiling sa huling sandali ang nasawing mister sa Palawan

-

­MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang isang Pinay na nagigipit   sa Saudi Arabia na tulu­ngan siyang agad na ma­kauwi sa Pilipinas upang makapiling sa hu­ling san­dali ang kanyang asawa na nasawi sa aksidente    sa Palawan.

Ayon sa Migrante Mid­dle-East, hinihiling ng OFW na si Emily Lucero, 33, ng nasabing lalawigan na aga­rang makauwi sa Pili­pinas upang masilip nito ang kanyang asawang si Edgar na namatay mata­pos na mabangga ang kanyang minamanehong tricycle ng gasoline truck sa Puerto Princesa. Idi­nek­larang dead-on-the spot    si Edgar habang nanana-tiling nasa kritikal na kon­disyon ang kanyang da-   la­wang pasahero.

Ayon kay John Leo­-nard Monterona, Migrante-Middle East regional coordinator, nagkausap pa   ang mag-asawang Luce­ro bago naganap ang ak­sidente at sinabi ni Emily sa kanyang mister na   uuwi siya ngayong Ka- pas­kuhan upang maka­piling ang dalawa nilang anak.

Si Lucero ay kabilang sa may 42 nagigipit na OFWs na nag-alsa at tu­migil sa pagtatrabaho sa kumpanyang Al Anasban matapos na mabigo ang kanilang employer na mai­bigay ang 2 hanggang 3 buwan nilang sahod at ilegal na pagbabawas ng kanilang suweldo at iba pang paglabag sa kontra­ta. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

ELLEN FERNANDO

EMILY LUCERO

JOHN LEO

MIGRANTE MID

MIGRANTE-MIDDLE EAST

PUERTO PRINCESA

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with