MANILA, Philippines - Ipinasusulong ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal laban sa isang mister at umano’y sa kalaguyo nito matapos ideklara sa isang doku-mento na sila’y mag-asawa.
Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-violence against women and children ang isasam- pa laban kina Rodolfo Magat at Liwayway Mali-nay dahil sa kahihiyang idinulot nito sa asawang si Elsa Magat at kanilang mga anak.
Mariin namang pina- bulaanan nila Magat at Malinay ang alegasyon laban sa kanila at sina- bing nais lamang silang hingan ng pera ni Magat.
Ayon sa provicial pro-secutor ibinasura ang kaso ni Elsa dahil ang mga iprinisinta lamang nito ay pawang photo- copy ng mga dokumento kabilang dito ang Trans- fer of Certificate na nag-papakita na mag-asawa ang dalawa at ang photocopy ng deed of sale na ang kanyang asawa at kalaguyo nito ay bumili ng kapirasong lupa.
Una ng naghain ng reklamo si Elsa sa San Pablo City Prosecutor’s Office ngunit ibinasura ito ng huli dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya. Subalit ikinatuwiran na-man ni Justice Undersecretary Linda Hornilla na sapat ng ebidensiya ang salitang “mag-asawa” na nakasaad sa isang dokumento para maisulong ang naturang kaso.
Idineklara nina Magat at Malinay na sila’y mag-asawa sa titulo ng lupa na kanilang binili.
Sa rekord, si Elsa ay kinasal kay Magat no- ong Marso 29,1970 sa San Pablo City, Laguna at nagtungo sa Amerika ang huli noong 1988 dahil sa kanilang problema at ng umuwi ito noong 2006 ay kay Malinay na ito nakisama. (Gemma Garcia)