^

Bansa

Dineklarang mag-asawa sa dokumento: Mister, lover pinakakasuhan ng DOJ

-

MANILA, Philippines - Ipinasusulong ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal laban sa isang mister at umano’y sa kalaguyo nito matapos ideklara sa isang doku­-men­to na sila’y mag-asawa.

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-violence against women and children ang isasam- pa laban kina Rodolfo Magat at Liwayway Mali-nay dahil sa kahihiyang idinulot nito sa asawang      si Elsa Ma­gat at kanilang mga anak.

Mariin namang pina- bu­laanan nila Magat at   Ma­linay ang alegasyon laban sa kanila at sina- bing nais lamang silang hingan ng pera ni Magat.

Ayon sa provicial pro-secutor ibinasura ang    kaso ni Elsa dahil ang    mga iprinisinta lamang    nito ay pawang photo-   copy ng   mga dokumento kabilang dito ang Trans- fer of Certificate na nag-pa­pakita na mag-asawa   ang dala­wa at ang photocopy ng deed of sale na ang kan­yang asawa at kalaguyo nito ay bumili ng kapira­song lupa.

Una ng naghain ng   rek­lamo si Elsa sa San Pablo City Prosecutor’s   Office ngunit ibinasura ito ng huli dahil sa kawalan    ng sapat na ebidensiya. Su­balit ikinatuwiran na-man ni Justice Undersec­retary Linda Hornilla na sapat ng ebi­densiya ang salitang “mag-asawa” na nakasaad sa isang doku­mento para maisulong     ang natu­rang kaso.

Idineklara nina Magat at Malinay na sila’y mag-asawa sa titulo ng lupa      na kanilang binili.

Sa rekord, si Elsa ay kinasal kay Magat no-   ong Marso 29,1970 sa San Pablo City, Laguna   at nag­tungo sa Amerika ang huli noong 1988 da­hil sa kani­lang problema at ng umuwi ito noong 2006 ay kay Malinay na ito naki­sama. (Gemma Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELSA

ELSA MA

GEMMA GARCIA

JUSTICE UNDERSEC

LINDA HORNILLA

MAGAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with