Comelec kukuha ng 400,000 guro para sa 2010 elections
MANILA, Philippines - Dahil sa automated election, 400,000 guro na lang ang kukunin ng Commission on election para gawing Board of Election Inspectors para sa nalalapit na 2010 pre sidential election.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula sa 900,000 na BEI ay ibinaba na lang ito sa 400,000 dahil sa clustering ng mga presinto, kung saan ngayon ay may 72,000 presinto sa bansa at inaasahang magbabago pa ito dahil sa patuloy na paglilinis ng voter’s list. Gayunman, aminado ang Comelec na sa ngayon ay hindi pa rin nito natatalakay kung magkano ang bayad sa mga guro.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, magtatalaga ng pitong BEI sa bawat limang clustered precinct at isang Precinct Count Optical Scan machine naman sa pitong presin- to na sasakop sa 1,000 botante.
Ikinagalak din ng Comelec ang katuparan ng automation election dahil hindi na mahihirapan at manganganib ang buhay ng mga guro sa tuwing sasapit ang election. (Doris Franche)
- Latest
- Trending