^

Bansa

PASG kinatigan ni GMA

-

MANILA, Philippines - Kinatigan ni Pangulong Arroyo na ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang kam­panya ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa pangunguna ni Under­secretary Antonio “Bebot” Villar.

Nagkausap sa tele­pono ang Pangulong Arroyo at si Villar kahapon matapos tanggapin ng PASG ang regional trial court 20-day temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa operasyon ng PASG.

Ang court order ay ibinaba ni Manila RTC Br. 26 Judge Silvino Pampilo kasunod ng petisyon ng British national na si Alpha Kwok na nahulihan ng mahigit P250 milyong-halaga na smuggled jewelry at diamonds.

“Inaasahan namin ito dahil malalaking smuggler ang kalaban namin pero naniniwala ako na mapa­pa­tunayang lehitimo at legal ang aming operasyon,” ani Usec. Villar.

Kasama ang Bureau of Immigration (BOI) at Bureau of Customs (BoC) sa naturang operasyon.

Sinabi pa ni Villar na ang petisyon ay “harassment suit” lamang at ba­hagi ng politically-motivated “demolition job” laban sa PASG.

Sinabi ni Villar kay Pre­sidente Arroyo na nagsa­sawa na siya sa paninira laban sa kanya at PASG.

“Manghuli kami, pinala­labas pang mali kami. Kung di ka manghuhuli, sa­sabihin nasusuhulan kami. Kapag nanghuli ka at hindi mo tinanggap ang areglo, ididimanda ka ng pangi­ngikil,” sabi ni Villar.

Samantala, pinasinu­ngalingan din ni Usec. Villar ang nalathalang reports ng extortion attempts sa Korean traders ng PASG agents.

Sa ipinadalang sulat ni Wan Sup Park, may ari ng PKSS Enterprises kay Villar ay humi­hingi ito ng pa­umanhin at nilinaw na walang katoto­hanan ang akusasyong humingi ng ‘padulas’ ang raiding team sa kanya. (Rudy Andal/Doris Franche)

ALPHA KWOK

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

DORIS FRANCHE

JUDGE SILVINO PAMPILO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with