MANILA, Philippines - Bumuhos na ang suporta ng maraming local executives na miyembro ng Lakas-Kampi-CMD sa tam balang Noynoy Aquino-Mar Roxas ng partido Liberal para sa 2010 presidential polls.
Partikular na inendorso ng mga opisyal mula Luzon hanggang Mindanao ang kandidatura sa pagka-bise presidente ni Sen. Mar Roxas.
Kabilang sa nag-endorso sa tambalang Aquino-Roxas sina Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, Tagum City Mayor Rey T. Uy at Davao del Norte Gov. Rodolfo “Om pong” del Rosario.
“Lumalaki na ang ating puwersa. Nadadagdagan tayo ng nadadagdagan. Patunay lamang ito ng dumarami pa nating mga kababayan na pagod na pagod na sa kabulukan ng ating sistema,” ayon kay Roxas.
Kasamang nanumpa kahapon sa LP sina Quezon City Mayor Feliciano Bel monte, anak na si Joy, Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista at Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.
Sa kanyang talumpati, inamin ni Mayor Belmonte na siya ay nahirapan nang magdesisyon na lumipat ng LP mula Lakas CMD.
Sinabi ng Alkalde na ikinararangal niyang magsilbi sa pamahalaan ng mahigit 26 na taon. Ang una ay nang siya ay isang ba tambatang abogado may 47 taon na ang nakararaan na nasa ilalim noon ng Liberal party administration.
Ang huling 23 taon anya ay sa ilalim ng ibat ibang Pangulo ng bansa at nagsimulang makaisang dibdib ng Lakas CMD mula 1992, ang partido na pinagsilbihan niya ng husay sa pamamagitan ng transitions.
Kasabay nito, pormal na inihayag ni Belmonte ang pagkandidato niya bilang kongresista ng Quezon City sa halalan sa 2010. Si Bau tista naman ang tatakbong alkalde ng lunsod habang kandidato nitong vice mayor si Joy na anak ni Belmonte at pangulo ng QC Ladies Foundation.
Gaya ni Belmonte, pormal na ring nanumpa kahapon si Echiverri bilang opisyal na kandidato ng LP.
Pinamumunuan ni Echiverri ang ikatlong pinakamalaking siyudad sa Kamaynilaan kung populasyon ang pag-uusapan. Bitbit din ng alkalde sa LP ang iba pang opisyal ng lungsod.
Nauna rito, nagpulong ang Partido Plaridel ni dating Bulacan Gov. Josie de la Cruz at iniwan na rin ang administrasyon upang sumali sa LP. (Malou Escudero/Angie dela Cruz)