^

Bansa

Walang fare hike - LTFRB

-

MANILA, Philippines - Walang magaganap na pagtaas ng halaga ng pa­ masahe sa mga pampa­saherong sasakyan laluna sa mga pampasaherong jeep hanggang sa Kapas­kuhan at sa pagpasok ng susunod na taong 2010.Ito ang ginawang paglilinaw ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing sa gusto ng trans­port group na gawing 50 sentimos hanggang P1.00 ang fare hike sa pampasaherong sasakyan dahilan sa panibagong oil price hike nitong Martes.

Sinabi ni Suansing na bagamat tumaas ng P2.00 ang halaga ng produktong petrolyo, dapat na lamang bumuo ng isang transport cooperative ang hanay ng sektor ng transportasyon upang sila ay makapag-import ng sariling langis para makatipid sa gastusin sa halip na mag-apruba ang LTFRB ng panibagong taas pasahe.

Inihayag naman ng mga kumpanya ng langis na maaaring umabot sa P4.50 ang kabuuang ita­taas ng kanilang mga pro­dukto hanggang sa puma­sok ang Disyembre dahil sa patuloy na pagtaas umano ng halaga ng krudo sa internasyunal na merkado. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)

ANGIE

CHAIRMAN ALBERTO SUANSING

CRUZ

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

INIHAYAG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with