^

Bansa

Abswelto kay Villar kinokontra

- Nina Butch Quejada at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pinigil kahapon ng Se­nado ang naunang re­solus­yon na humihiling sa Ethics committee na idis­mis na ang kasong double insertion at C-5 road deal laban kay Sen. Manny Villar.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Villar na pinipigilan ang dismissal ng kaso dahil batid ng mga itong malaki ang maitutulong nito sa kandidatura ng pambato ng Nacionalista Party.

Sinabi naman ni Cong. Gilbert Remulla, tagapag­salita ng NP, ayaw ng mga kalaban ni Villar na maka­lusot ang resolusyon na pirmado ng 12 senador mula sa iba’t ibang partido pulitikal na nagdedeklarang walang kasalanan ang huli sa alegasyon nina Senador Panfilo Lacson at Jamby Madrigal tungkol sa uma­noy double insertion sa C-5 projects.

“Mismong ang mga testigo na sila mismo ang nagpatawag ang nagsabi na walang ilegal na ginawa si Villar at lahat ng tran­sakyon ay naaayon sa ba­tas taliwas sa bintang nina Sen. Lacson at Sen. Madrigal,” pahayag ni Remulla.

Bukod kina Lacson at Madrigal, pumalag sa ini­haing resolusyon ng 12 senador si Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, na napaulat na natatalo sa isinagawang recount ng Senate Electoral Tribunal sa mga boto mula sa protesta ni Aquilino “Koko” Pimentel III.

Higit sa usapin ng “timing” dahil naunang inihain ang resolusyon kaysa sa desisyon ng Senate Committee of the Whole na nagsiyasat sa C-5 project, iginiit ni Remulla na mas dapat bigyan ng halaga ang pananaw ng mayorya ng mga senador na nakapirma na naniniwalang absuwelto si Villar.

Nakatakda muling mag­­­bakasyon ang Kongreso sa linggong ito at magbabalik ang sesyon sa susunod na buwan na, upang bigyan daan ang pagsu­sumite ng kandidatura ng mga tatak­bo sa 2010 elections sa Commission on Elections.

Si Senadora Loren Le­garda, na kabilang sa mga sumuporta noon na imbes­tigahan si Villar sa C-5 pro­ject, ay kasama sa mga pu­mirma sa resolusyon na nag­sasabing walang ka­sa­lanan ang presidente ng NP.

Pinuri ni Legarda si Villar dahil sa pagiging ma­unawain nito at hindi nag­ta­tanim ng galit na isang pa­­latandaan umano ng mahusay na lider.

Kinastigo naman ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel ang gi­nagawang pag-intriga nina Lacson, at Zubiri na ko­nek­tado ang resolusyon para itulak ang pagbabago ng liderato sa Senado.

Iginiit ni Pimentel na nais lamang nilang 12 se­na­dor na ipahayag ang ka­nilang saloobin sa C-5 project na walang kasa­lanan at pulitika lamang ang nasa likod ng alegasyon nina Madrigal at Lacson.

Ang mga pumirma sa resolusyon ay sina Pimen­tel (Independent), Caye­tano (Independent), Pia Caye­tano (Independent), Lito Lapid (Lakas-Kampi-CMD), Gregorio Honasan II (Independent), Joker Arroyo (Independent), Miriam Defensor-Santiago (Peoples Reform Party), Ramon “Bong” Revilla Jr. (Lakas-Kampi-CMD), Jinggoy Ejercito Estrada (Pwersa ng Ma­sang Pili­pino), Loren Le­garda (Na­cionalist Peoples Coalition), Francis Pangi­linan (Liberal Party) at si Villar (Nacio­nalista).  

Ayon kay Remulla, sila ay nagpapasalamat sa mga senador na tumindig para sa katotohanan.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

FRANCIS PANGI

GILBERT REMULLA

GREGORIO HONASAN

JAMBY MADRIGAL

LACSON

REMULLA

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with