MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.1 lindol ang lalawigan ng Davao Oriental sa Mindanao alas 3:58 ng madaling araw kahapon.
“Wala tayong inaasahang tsunami rito. Ang magnitude ay 5.1 lang, hindi sapat para magpakilos ng ilalim ng dagat para magkaroon ng tsunami” ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr..
Naitala ang epicenter ng lindol sa may lalim ng karagatan na 62 kilometro timog ng Mati, Davao Oriental.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Tarragona, Davao Oriental; Intensity 3 sa Davao City at Intensity 2 sa bayan ng Caraga, Davao Oriental; Polomolok, South Cotabato at Tagum, Davao del Norte.
Wala namang naitalang naapektuhan ang naturang lindol dahil ito ay naramdaman sa karagatan. (Angie dela Cruz)