Isyu ng Hacienda Luisita pinabubusisi ng Malacañang
MANILA, Philippines - Nanghimasok na ang Malacañang sa isyu ng Hacienda Luisita matapos utusan ni Pangulong Arroyo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na imbestigahan ang hinaing ng mga magsasaka.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, pinasisilip din ng Pangulo ang kaugnayan ni Sen. Noynoy Aquino o kung nadadawit lang siya sa isyu ng nasabing land dispute.
Sinabi ni Remonde, dapat ay makipagtulungan din ang pamilya Aquino-Cojuangco gayundin ang mga manggagawa sa Hacienda Luisita sa DAR.
Nilinaw naman ni Remonde na walang kinalaman sa pulitika ang naging kautusan ng Palasyo.
Ginunita kamakailan ng mga manggagawa ng Hacienda ang naganap na masaker sa nasabing sugar mill ng pamilya Aquino-Cojuangco sa Tarlac matapos 7 manggagawa ang nasawi sa madugong dispersal noong Nov. 16, 2004. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending