Lozada at JDV III state witness daw

MANILA, Philippines - Matapos irekomenda noong nakaraang linggo ni Senator Richard Gordon na kasuhan sina Rodolfo Noel “Jun” Loza­da at Jose de Venecia III kaugnay sa National Broadband Network-ZTE deal, sinabi kahapon ng se­nador na maari na­mang maging state witness ang dalawa.         

Muling nilinaw ni Gordon na hindi maiikon­siderang whistleblowers sina De Venecia at Lo­zada dahil sa kanilang naging papel sa maano­malyang kontrata kahit hindi pa ito natuloy.        

Ayon kay Gordon, dapat makilatis ang ka­iba­han ng state witness at whistleblowers dahil ang huli ay walang di­rektang partisipasyon sa krimen.     

Bagaman iginiit ni Gor­don na maaring ku­ning state witness sina Lozada at De Venecia, hindi aniya dapat malibre ang dalawa sa kanilang naging partisipasyon sa NBN-ZTE deal. (Malou Escudero)

Show comments