^

Bansa

Mag-aaral na Pinoy umaasenso sa English

-

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kamakailan ng Department of Education ang pag-unlad umano ng mga estudyanteng Pinoy sa pagsasalita at pagbabasa ng English sa loob ng limang taong monitoring nila.

Sinabi ni DepEd Secretary Jesli Lapus na malaki ang iniunlad ng mga mag-aaral sa kanilang National Achievement Test (NAT) lalo na sa araling English.

Sa kanilang tala sa mga mag-aaral mula Grade 6 sa 1,898 elementarya na “low performing schools” nitong 2007-2008, may 79% o 1,453 sa mga ito ang umasenso mula “low mastery patungo sa average mastery” sa elementarya.  Sa High School, may 82% o 215 sa 265 low performing high schools naman ang umakyat mula “low mastery sa average mastery” sa English.

Ang naturang pag-asenso sa mastery sa English ng mga mag-aaral na Filipino ay dulot umano ng mga prog­rama ng DepEd tulad ng Project TURN o (Turning Around Low Performance in English) kung saan tuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga guro sa English mula 2007. 

Sinabi ni Lapus na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang kalamangan sa pagsasalita at pagsusulat ng mga Filipino ng wikang English pagdating sa pagkuha ng trabaho sa abroad at sa iba pang internasyunal na kumpanya sa bansa. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENGLISH

IPINAGMALAKI

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST

SA HIGH SCHOOL

SECRETARY JESLI LAPUS

SINABI

TURNING AROUND LOW PERFORMANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with