^

Bansa

Fr. Sinnott, pinalaya dahil kay Pacman

-

MANILA, Philippines - Dahil kay Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at hindi dahil sa pagdating ni US Secretary of State Hillary Clinton kung kaya agad na pinalaya ng mga kidnappers ang Irish priest na si Fr. Michael Sinnott.

Ayon sa pari, nagdesisyon ang mga dumukot sa kanya na pakawalan siya sa gubat ng Mindanao nang maaga dahil nais nilang maabutan at mapanood ang laban ni Pacquiao kay Puerto Rican Miguel Cotto.

“Your freedom is our freedom. We don’t want to be here for a long time, too. And we want to watch Pac­quiao’s fight,” ayon kay Sinnott, base sa pahayag umano ng kanyang kidnappers.

Nahihirapan na rin umano ang mga abductors na ala­gaan pa si Fr. Sinnott. Dahil kasi aniya sa matanda na ang dayuhang pari sa edad na 79 at mayroon pang karam­daman, nagiging pabigat ito sa mga abductors dahil hirap itong maglakad, lalo na’t nagpapalipat-lipat sila ng lugar, at naglalakad pa ng may walong oras sa kabundukan.

Nauna nang sinabi ng mg kritiko ng Arroyo administration na ang pagpapalaya kay Sinnot ay nasa timing dahil sa pagdating ni Clinton na itinanggi naman ng Palasyo. (Ricky Tulipat/Mer Layson)

AYON

DAHIL

MER LAYSON

MICHAEL SINNOTT

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO MANNY

PUERTO RICAN MIGUEL COTTO

RICKY TULIPAT

SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON

SINNOTT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with