^

Bansa

Pacquiao inspirasyon ng mga Pinoy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nakiisa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdiriwang ng sam­ba­yanan matapos talunin ni pound-for-pound cham­pion Manny Pacquiao si Puerto Rican boxer Miguel Cotto sa kanilang title bout para sa WBO welterweight belt na ginanap sa MGM arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bagama’t hindi napanood ni Pangulong Arroyo ang laban ni Pacquiao dahil dumadalo ito sa APEC Summit sa Singapore ay nakikiisa ang Pangulo sa tuwa at pagmamalaki sa muling panalo ni Pacquiao.

”May this serve as inspiration to the entire Filipino nation especially the youth that there is no limit to our capacity for success for as long as we work hard, put our hearts and focus to achieve our goals. Manny trained long and hard, imposed stringent self discipline, persevered, and above all, has always placed himself in the hands of God. I hope we all learn from his example so that, together, we can also move forward as a nation,” wika ng Pangulo sa kan­yang statement na binasa ni Sec. Remonde.

Nanalo si Pacman sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) matapos ipahinto ni referee Kenny Bayless ang laban bago matapos ang 12th round dahil hindi na makaganti ng suntok si Cotto.

Dahil sa kanyang pa­nalo ay gumawa ng kasay­sayan si Pacquiao sa larangan ng boxing dahil siya ngayon ang nag-iisang boksi­ngero na nanalo ng titulo sa 7 titles sa 7 magkaka­ibang division.

Ayon naman kay Ca­tholic Bishops Conference of the Philippines President at Jaro archbishop Angel Lagdameo, walang du­dang si Pac­quiao ang ipagma­malaki ng Pilipinas at ng mga Filipino.

Sinabi naman ni Ba­silan Bishop Martin Ju­moad, nilagay ni Pacquiao ang Pilipinas sa kasay­sayan at maging sa tourism industry. Aniya, ma­katutulong ito upang umangat ang turismo ng bansa dahil may “face-value” na  ang bansa. (May ulat ni Doris Franche)

ANGEL LAGDAMEO

AYON

BISHOP MARTIN JU

BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES PRESIDENT

DORIS FRANCHE

KENNY BAYLESS

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with