^

Bansa

Barangay chairman, secretary sinuspinde sa pekeng pirma

-

MANILA, Philippines - Isang Barangay Chairman at Barangay Secretary sa Binondo Maynila ang sinuspinde ng Office of the Ombudsman dahil sa ka­song Grave Misconduct at Dishonesty na inihain laban sa kanila ng isang ba­rangay kagawad.

Sa anim na pahinang resolusyon na may pet­sang Oktubre 21 na pir­mado ni Overall Deputy Ombudsman Orlando C. Casimiro, sinasbing guilty sa kasong misconduct sina Barangay Chairman Willy Tan Lao at Barangay Secretary na si Marievic P. Young ng ba­rangay 288 Zone 27, District III Binondo, Maynila.

Isang buwan na suspension at walang su­weldong matatanggap ang ipinataw ng Ombudsman laban kina Tan at Young dahil umano sa ginaga­wang sabwatan ng mga ito na pekehin ang pirma at sadyang hindi pinadadal­han ng notice ang complainant na si Kagawad Ed­gar Lim para sa isinasa­gawang meeting at session ng Sang­guniang Barangay.

Sa counter affidavit nina Tan at Young, kani­lang  pi­nabulaanan ang reklamo ni Lim ngunit sa pagpresinta ng mga ebi­densiya at ma­susing imbestigasyon na isina­gawa ni Ombudsman Graft Investigation and Prosecutionm Officer II Evelina S. Maglanoc-Re­yes ay napatunayang guilty si Chairman at Secretary nito.

Ginamit ding matibay na ebidensiya ni Lim ang gi­nawang pagpeke sa kan­yang pirma sa isang resolution na nag-aapru­ba sa appointment ng isang Alfredo Dungo bi­lang Street Sweeper ng kanilang ba­rangay.

Sinabi pa ni Lim sa kan­yang reklamo na inalisan siya ng karapatan na gam­panan ang kan­yang tra­baho bilang halal na ka­gawad ng barangay sa kanilang lugar kaya siya napilitang maghain ng kaso sa Office of the Ombudsman. (Mer Layson)

ALFREDO DUNGO

BARANGAY CHAIRMAN WILLY TAN LAO

BARANGAY SECRETARY

BINONDO MAYNILA

EVELINA S

GRAVE MISCONDUCT

ISANG BARANGAY CHAIRMAN

KAGAWAD ED

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with