390 pamilya malapit sa Mayon pinalikas

MANILA, Philippines - Inilikas na ang may 390 pamilya sa Albay province sa Bicol dahil sa pagtaas ng aktibidades at pag-aalburuto ng natu­rang bulkan.

Ang 390 pamilya o katumbas sa 1,665 katao na mula sa dalawang bar­yo ng bayan ng Da­raga ay pansamantalang ini­likas sa Daraga supermarket.

Bunsod nito, round-the-clock na ang pagba­bantay ng Phivolcs sa bulkan dahil sa madalas na nitong pagpapakita ng abnormalidad.

Kahapon, nakipag­pulong ang Phivolcs sa lokal na pamahalaan ng Bicol at pinayuhan na rin ang mga residente ma­lapit sa paligid ng bulkan na maging handa dahil nag­simula nang mag­buga ng abo ang Mayon nitong nakalipas na ma­daling araw ng Miyer­kules.

Ang Mayon ay nasa Alert Level 2 at patuloy na ipinagbabawal ang pag­pasok sa 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan. (Angie dela Cruz)

Show comments